Mga Dapat Gawin:
1. Pumasok ng regular sa paaralan sa tamang oras.
2. Mag-aral na mabuti at ihanda ang sarili sa lahat ng aralin
3. Ang mga lalake ay dapat pumasok sa paaralan na nakasuot ng polo shirt na puti na may logo ng paaralan sa kaliwang dibdib, pantalong itim, medyas na puti, sapatos na pampaaralan. Ang gupit ay 2x3.
4. Ang mga babae ay dapat pumasok sa paaralan na nakasuot ng puting blusa na may laso at logo ng paaralan sa kaliwang dibdib, kulay berdeng palda na lagpas tuhod, medyas na puti at sapatos na pampaaralan.
5. Maging magalang tuwina sa pakikipag-usap at pakikitungo sa kapwa mag-aaral, sa mga guro at kawani ng paaralan.
6. Dumalo ng flag ceremony ng 6:00 ng umaga tuwing Lunes at flag retreat sa hapon ng Biyernes.
7. Pangalagaan at gamitin ng tama ang lahat ng pag-aari sa pasilidad ng paaralan.
8. Laging suot ang I.D. habang nasa loob ng paaralan.
Mga Di Dapat Gawin:
1. Paglabaas ng Silid-aralan ng paaralan sa oras ng klase ng walang pahintulot ng guro/adviser, guidance councilor, magulang o punong guro.
2. Hindi pagsuot ng I.D. sa loob ng paaralan. Pagpapahiram at paggamit ng ibang I.D.
3. Pagsuot ng di wastong kasuotan/ unoporme
4. Pagpasok na lango sa alak o nasa impluwensya ng illegal na droga.
5. Pagpapadala o paggamit ng sigarilyo/vape, alak, illegal na droga at matutulis/nakakasakit na bagay.
6. Vandalism o paninira ng alinmang bahagi o kagamitan ng paaralan tulad ng upuan, blackboard, halaman o kagamitan ng ibang tao.
7. Pagsusugal tulad ng "digit", "cara y cruz", "taya sa sipa", at iba pang uri nito.
8. Pagnanakaw at pangingikil.
9. Pag-anib o pagtatatag ng fraternity, sorority, gang o anumang samahan na laban sa mga adhikain ng paaralan.
10. Pagdadala at paggamit ng gadgets, electronic device (cellphone, tablet, MP3 player at atbp.) at mga laruan na makakaabala sa oras ng klase
11. Pandaraya, pangongopya o anumang uri ng kasinungalingan.
12. Paglapastangan, pagmumura, paninira o pagsasalita ng mahalay sa kapwa mag-aaral, mga opisyales at kawani ng paaralan atbp.
13. Pakikipag-away, pananakit, pananakot o anumang uri ng bullying sa kapwa mag-aaral, mga opisyales at kawani ng paaralan atbp.
14. Pag-iingay o paggawa ng mga maaring maka istorbo sa klase tulad ng paglalaro at pananakbo/paghahabulan sa corridor.
15. Pag-eensayo sa loob at labas ng paaralan ng walang kaukulang pahintulot mula sa guro/adviser, guidance councilor o punong guro.
16. Paggawa ng mahahalay na gawain tulad ng panghihipo o paninilip ng maseselan bahagi ng katawan.
17. Pagdadala, pagbabasa at panonood ng malalaswang panuorin o babasahin.
18. Pakikipagrelasyon sa mga opisyales at kawani ng paaralan.